Ang mga salaysay tungkol kay Supremo Andres Bonifacio na itinuro sa atin sa paaralan ay katulad ng sine sa probinsya noong araw na putol-putol, kaya ang natatandaan lang natin ay ang kanyang "Unang Sigaw sa Balintawak" at ang pagkamatay niya sa kamay ng mga sundalong Pilipino noong presidente si Emilio Aguinaldo. Kaya naman maraming naniniwala sa pasabog ng ilang mananalaysay na ang dahilan daw ng pagbagsak ng Supremo ay ang pagkakampi-kampi ng mga Kabitenyo laban sa kanya o ang tinaguriang "Cavitesimo".
Subalit mayroon ngayong nahalungkat at nalimbag na mga patunay, unang-una ang aklat ni Carlos Ronquillo na pinamagatang, "Ilang Talata Tungkol sa Panghihimagsik ng Taong 1896-1897", sa pamamatnugot ni Isagani Medina (UP, 1996), na nagtatagni-tagni sa mga putol-putol na salaysay na itinuro sa atin sa paaralan. Marami sa mga salaysay sa aklat na ito, tulad ng Acta de Tejeros at Acta de Naic, na ipaliliwanag sa mga susunod na talata, dalawang di magandang inasal ni Bonifacio na paglaban sa pamahalaan, ay hindi binabanggit. Ang dahilan ay ang pinagkunan ng mga ulat sa pampaaralang aklat ay mga sinulat nina Santiago Alvarez at Artemio Ricarte, mga kilalang kaalyado ni Bonifacio, na walang salaysay tungkol sa mga bagay na nakasisira sa Supremo. Kaya hindi alam ng mga kababayan natin na si Bonifacio pala ay may mga pakanang inilatag na paglaban sa pamahalaang manghihimagsik sa pamumuno ni Presidente Emilio Aguinaldo.
Ang pinag-ugatan ng paglaban ni Bonifacio sa pamahalaan ni Aguinaldo ay ang pagkatalo niya sa halalan sa Tejeros. Nangibabaw ang kanyang mataas na pagturing sa sarili at ipinagpilitan pa rin niyang pasunurin ang mga manghihimagsik gamit ang kanyang pagiging Supremo ng Katipunan kahit hindi na siya dapat kilalanin dahilan sa natalo siya sa halalan. Sa madaling salita, napikon siya, nagalit at nagdabog; hindi niya matanggap ang pagtakwil sa kanya. (Ronquillo, 65) Hindi niya akalain na sa kabila ng siya ang nagtayo ng Katipunan, nagturo at naghubog sa adhikain ng mga manghihimagsik kapalit pala ay pagalipusta sa kanyang pagkatao. Ito at hindi ang Cavitismo ang ikinabagsak ni Surpremo Andres Bonifacio na nauwi sa malagim na kahihinatnan.

Unang-una alamin muna ano nga ba ang dahilan bakit nagpunta ang Supremo sa lalawigan ng Cavite? Ang sabi na ilang mananalaysay ay upang ayusin daw ang hidwaan ng Magdiwang at Magdalo. Hindi ito ang tunay na dahilan. Talaga namang magkahiwalay ang dalawang sangay na ito ng Katipunan, tulad din ng ibang mga sangay ng Katipunan, at may kani-kaniyang sakop silang mga bayan at may sari-sariling pamamaraan ng pamamahala. Ang tunay na dahilan ng pagpunta ng Supremo sa Cavite ay upang gamitin ni Mariano Alvarez, ang pangulo ng Magdiwang, ang kapangyarihan ng Supremo upang ipatupad ang pagkahirang sa kanya na mamuno sa pinagisang pamahalaan ng Katipunan sa Cavite.
Napakadaling isipin na hindi lamang magpasikat sa Supremo ang pakay ni Mariano Alvarez, kundi may iba pa. Malinaw na ang pagimbita niya sa Supremo ay upang magpatulong na maipatupad ang pagkakahirang sa kanya ng Supremo bilang pangulo ng pinagisang kilusan sa Cavite. Sapagka't noong Agosto 24, 1896, nagkaroon ng pulong sa Gulod sa Banlat sa Balintawak ang mga pinuno ng himagsikan na dinaluhan ni Mariano Alvarez at ng sugo ni Aguinaldo na si Domingo Orcullo at dito'y hinirang ni Supremo Bonifacio si Alvarez upang "...magakay ng hukbo sa pinagisang paggalaw sa buong Hukuman ng Tangway" [lalawigan ng Cavite] (Ronquillo, 31) . Subali't apat na buwan na ang nakalipas hindi pa rin naipatupad ang kautusan ng Supremo, pati ang balak na pagisahin ang Magdiwang at Magdalo na pamumunuan sana ni Alvarez.
Kaya masasabing ang pagkakaroon ng kapulungan sa Tejeros ay dahil sa kagustuhan ni Alvarez na matupad ang pangarap niyang matuloy ang pagiging pangulo sa pinagisang lakas ng Magdiwang at Magdalo gamit ang kapangyarihan ng Supremo na sa kanyang pagtingin ay siya pa ring kinikilalang puno ng himagsikan. Kaya nga ang Magdiwang ang nagsulong ng kapulungan sa Tejeros at hindi na kinunsulta ang Magdalo. Si Alvarez ang siyang nagpadala ng mga paganyaya, ang Supremo naman ang nangulo sa pulong, at si Artemio Ricarte naman ang kalihim, puro mga Magdiwang, at pinili nilang idaos ang kapulungan sa kanilang sakop na bayan, ang San Francisco de Malabon, upang ganap ang kanilang hawak.
Ayon kay Aguinaldo talagang pinaghandaan ang halalang ito sa Tejeros ng mga Magdiwang dahilan sa ito'y hindi ipinaalam sa mga Magdalo na tumanggap lamang ng anyaya ng araw bago maghalalan. Sila'y walang kamalay-malay sa balak na pag-iisa ng puwersa ng Magdiwang-Magdalo. Talagang itinaon nina Alavarez, Bonifacio at Ricarte ang araw ng halalan dahilan sa abalang-abala noon ang mga Magdalo sa pakikipaglaban kaya wawalo lamang sa kanila ang nakadalo samantalang naroon sa sakop ng Magdiwang taglay ang kanilang mahigit sa isang daang tauhan nila. (Ronquillo, 29)
Ngunit hindi akalain ng mga Magdiwang na nagbago na pala ang pagtingin ng mga manghihimagsik sa pamunuan ng himagsikan dahil sa mga nakaraang pangyayari gaya ng tagumpay ni Aguinaldo sa Cavite at ang mga pagkatalo ni Bonifacio sa Maynila. Ang mga pangyayaring ito ang naging dahilan ng hindi pagkakatupad ng hangarin ni Alvarez at nasabit pa sa alanganin ang katayuan ng Supremo, dahilan sa di inaasahang pagpili kay Aguinaldo na mangulo sa bagong itinayong pamahalaang himagsikan.

Naganyong kahabaghabag ang Supremo Andres Bonifacio sa kinalabasan ng halalan sa Tejeros. Una, tinalo siya ni Aguinaldo sa pagkapangulo, 146 na boto kay Aguinaldo, 80 naman kay Bonifacio, at 35 kay Trias (May 105; Ronquillo, 35), kahit na si Aguinaldo ay hindi dumalo at ibinoto ng "in absentia". Ikalawa, hindi inayunan na gawin siyang pangalawang pangulo ng hindi na daraan sa halalan dahilan sa sunod siya sa dami ng boto. Sa katunayan tahimik ang kapulungan nang imungkahi ito ni Severino delas Alas. Ikatlo, tinalo siya ni Mariano Trias sa pagka pangalawang pangulo. Ikaapat, nahalal lamang siya sa pinakamababang tungkulin ng direktor ng Interyor, kung baga, consuelo de bobo, na nilapastangan pa ni Tirona ang kakayahan niya sa pwestong ito.
Hindi siguro tumimo sa isip ni Bonifacio na nawalan na ng tiwala ang mga manghihimagsik sa kanyang kakayahang mamuno dahil sa mga balitang pagkakatalo niya sa mga labanan sa Maynila noong Agosto 1896, at sa kanyang bigong makaagaw ng isa mang bayan para gawin niyang himpilan. (Alvarez[Katipunan], 302) Makikita rin ang di paggalang sa kanyang pamumuno ang hindi pagsunod sa kanyang utos na dakipin si Vicente Fernandez (Alvarez[Katipunan], 302), isa sa mga hinirang niyang heneral noong maglabanan sa Maynila na hindi gumanap sa kanyang tungkulin. Sa ganang kanya siya pa rin ang Supremo na dapat sundin ng lahat, kahit na marami sa manghihimagsik sa Cavite ay hindi naman kaanib sa Katipunan, kaya masakit sa kanyang kalooban ang kanyang pagkatalo sa halalan na hindi niya matanggap.
Ang mga sumusunod na kaganapan ay patunay na hindi matanggap ni Supremo Andres Bonifacio ang kanyang pagkatalo:
UNA – IPINAHAYAG NA LANGSAG ANG HALALAN AT WALANG SAYSAY.
Pagkatapos maliitin ni Tirona ang kanyang kakayahan bilang halal na Direktor ng Interyor, ginamit niya itong dahilan upang ideklara na lansag at walang saysay ang mga pinagkaisahan sa kapulungan dahil hindi daw sinunod ang napagkayarian na susundin ang kagustuhan ng nakararami. Wala namang umayon sa susog ni Tirona na si Jose Maria Del Rosario ang gawing direktor at ito'y binalewala pa nga ng mga delegado (Ronqillo, 63). Dapat sana ang ginawa ni Bonifacio ay ideneklarang wala sa lugar si Tirona, pinaupo niya at tinapos ang kapulungan. Sa halip ay pagalit siyang sumigaw na sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan bilang Supremo ng Katipunan ay ipinahayag niyang lansag at walang saysay ang pinagkaisahan sa kapulungan at nagakma ng pagalis kasunod ang kanyang mga tauhan.
Ngunit bago siya nakaalis ay hinarap siya ni Koronel Santiago Rillo at nagsalita ng ganito:
“Wala po kayong kakatu-katuwiran ni kapangyarihan, pawalang-halaga ang mga nahalal rito sa ating Asamblea General at kung ayaw man ninyong tanggapin ang pagkahalal sa inyo, at kung aayaw na kayong papigil, ay ako, Koronel Santigao Rillo, at sa kaayunan nitong Asamblea, ay tinitindigan ko at aking tinutubos ang inyong pagka-Pangulo, para ipatuloy itong Kapulungan.” (Ronquillo, 58)
Hindi binigyang halaga ni Bonifacio ang pakiusap ni Rillo,
at dali-daling umalis kasama ang kanyang tropa. Pagkaalis
ni Bonifacio, hinarap naman ni Rillo sa kapulungan at nagsabing:
". . .Alam ng lahat ang aming katapatan sa nagtatag ng Katipunan at sa Magdiwang; ngunit kung laban sa katuwiran ang kinalabasan ng halalan na napagkayarian ng lahat ay pawawalang bisa, kaming mga taga-Batangas ang magpapatupad nito sa pamamagitan ng lakas, kahit kami lamang, kung hindi ayon ang mga taga-Kabite." (De los Santos, 53).
Pumangalawa naman ang mga taga-gitnang Luzon at pumanig sa pahayag at hangad ng mga taga-Batangas. (Ronquillo, 58 at 64) At sa ginawang ito ni Koronel Santiago Rillo napagtibay ang itinayong bagong pamahalaang himagsikan at mga halal na opisyal.
Ang pangyayaring ito tungkol kay Santiago Rillo ay isa sa mga hindi binanggit nina Alvarez at Ricarte sa kanilang mga aklat, gayon din ng mga mananalaysay sa ating panahon. Mahalagang malaman ito ng lahat upang maitaguyod ang katotohanan na tinapos ang kapulungan at tunay na may bisa ang mga pagkakahalal ng mga opisyal at hindi walang saysay tulad ng pahayag ni Bonifacio. Pagkatapos isara ni Rillo ang kapulungan inatasan si Kor. Vicente Riego de Dios, isang Magdiwang, na ipaalam kay Aguinaldo ang kanyang pagkahalal bilang pangulo at samahan itong makarating upang manumpa sa kanyang bagong tungkulin. (May, 102; Corpuz, 130) Tumanggi si Aguinaldo sumama at tanggapin ang kanyang pagkahalal sa dahilang papalapit na ang mga Kastila sa Pasong Santol na kanilang pinaghahandaan. Napilitan lamang si Aguinaldo na sumama nang akuin ni Crispulo ang pagtatanggol at sa kasamaang palad napatay naman siya sa labanan. (Ronquillo, 80)Ayon kay Epifanio delos Santos, ang pinakamaraming nagsidalo sa kapulungan ay mga taga-Maynila, sumunod ang Magdiwang at pinakakaunti ay ang Magdalo. Ang mga taga-Batangas naman ang tumindig upang ipagwalang bisa ang pahayag ni Andres Bonifacio na walang saysay ang kapulungan at ang mga napagkayarian dito. Dugtong pang ipaglalaban nila ang mga napagkasunduan, kung kailangan gagamitan nila ng pwersa, kahit na hindi kikibo ang mga taga-Kabite, at ito nama'y pinangalawahan ng mga taga-gitnang Luson. (Delos Santos, 53)
IKALAWA - INUTOS NA MAGBITIW ANG MGA BAGONG HALAL
Kinabukasan pagkatapos ng halalan, iba naman ang naging pahayag ni Bonifacio - siya daw ay dinaya. Pinangalawahan naman ito ni Artemio Ricarte sa isang sulat na nagsasabing may pangalan na daw sa mga balota nang ito ay ipinamigay. Pinulong ni Supremo Bonifacio ang mga Magdiwang at sila'y gumawa ng isang pahayag na tinaguriang "Acta de Tejeros" na nakalakip pa ang sulat ni Ricarte, at inuutusan ang mga nahalal na bumitiw sa kanilang mga tungkulin dahilan sa bintang na pandarayang ginawa sa halalan. Dahil dito, inanyayahan ni Bonifacio ang mga Magdalo upang ipaalam ang kanyang utos, at dumating naman ang presidente ng Magdalo na si Baldomero Aguinaldo, kasama si Daniel Tirona at Antonio Montenegro. Nang ipaalam ni Bonifacio ang kanyang balak ay matinding tumanggi si Baldomero Aguinaldo at nangatuwirang wasto at wala namang dayaang naganap sa halalan, at ang lahat ng napagkayarian ay kinumpirma nga ng mga nakararami pagkatapos makaalis ang Supremo. (Richardson, 320-338; May, 98 and 109; Ronquillo, 66)
Wala talaga sa katuwiran ang ginawa ni Bonifacio. Ang Magdiwang ang nagpakana at namahala ng kapulungan. Si Ricarte at Teodoro Gonzales, mga kasapi sa Magdiwang, ang namahagi ng mga balota, at binulungan pa ni Diego Mojica si Bonifacio na may sulat na daw ng pangalan ang mga balota. (Ronquillo, 64) Bakit hindi siya kumibo at itinuloy pa rin niya ang halalan? Dapat sana pinigil muna niya at kinilatis ang mga balota at saka ginawa ang nararapat na hakbang. Bakit nang siya'y matalo saka niya sinabing siya'y dinaya, at hindi pa sa kapulungan niya ito inungkat kundi kinabukasan pa nang wala na ang mga delegado? Itong bintang na pandaraya ang siyang laging matitisod sa mga aklat na itinuturo sa paaralan, at kaya nga nagmukhang inapi at pinagtulong-tulungan ang Supremo Bonifacio ng mga taga-Cavite, isang kamalian sa kasaysayan na patuloy pa ring itinuturo sa paaralan na hindi pa rin winawasto.

IKATLO – NAGLUNSAD NG KUDETA LABAN SA BAGONG PAMAHALAAN
Makalipas ang halos isang buwan mula nang maghalalan, tumawag muli ng pulong si Bonifacio noong Abril 19, 1897 at tumugon naman ang higit na apatnapong mga Magdiwang na kasama niyang lumagda sa Acta de Tejeros, at pati dalawang heneral ng Magdalo, sina Pio del Pilar at Mariano Noriel. Nagabuo sila ng balakin na agawin ang kapangyarihan ng bagong pamahalaan, sa madaling salita, golpe de estado o kudeta. Nilagdaan nila ang isang kasulatan tinaguriang Acta de Naic, o Naik Military Agreement, na ang layunin ay pabagsakin ang bagong pamahalaan at arestuhin ang mga opisyal, sa madaling salita. Gamit ni Bonifacio ay isang sulat ng galing sa paring nangangalang Fr. Pi, at ang pagsuko ng mga Magdalong sina Cailles, Tirona at si Del Rosario, bilang patunay na aniya balak isusuko ni Pangulong Aguinaldo ang himagsikan. Narito ang nilalaman ng Acta de Naic na sinipi mula sa aklat ni Jim Richarson, "The Light of Liberty":
"Kaming nangagtala ng tunay naming mga pangalan sa ibaba nito ay pauang mga pinuno ng Hukbo ay nangag kapulong na pinanguluhan ng Kataastaasang P,lo [pangulo] tungkol sa guipit na kalagayang tinatauid nitong mga bayan at ng panghihimagsik; buhat sa napag aninao na Kataksilang gaua ng ilang mga pinuno sa pag sira ng matibay na pagkakaisa, pag ayon sa kaauay na Kastila at pag hibo sa mga kaual; bukod dito ang pagpapaubaya sa pangangasiua sa mga sugatan sa kadahilanang ito aming pinagkaisahan na iligtas ang bayan dito sa malaking panganib sa pamamaguitan ng mga paraang sumusunod:
"Una: ang lahat ng hukbo ay pipisanin sa pamamaguitan ng matuid o sa pilitan at mapapailalim sa pamamahala ng Kagg. na si M. Pio del Pilar.
"Ykalaua: uala kaming kikilalaning makapangyarihan sa lahat kundi ang una ang matuid at ang lahat ng mga pinuno na buhat ng una at magpahangang ngayon ay di nasisilipan ng Kataksilan at pag talikod sa pinanumpaanan.
"Ykatlo: ang sino mang gumamit ng kataksilan, karakarang lalapatan ng katapusang parusa.
"Yto ang aming pinagkaisahan na pinanumpaanan sa harap ng Dios at ng bayang tinubuan na di tatalikuran magpahangang libingan." (Richardson, 376-7)
Nang malaman ni Aguinaldo ang
masamang balak ni Bonifacio, sumugod agad siya sa Bahay Hacienda na
pinagpupulungan at nagpakita sa mga magkakasabwat. Inimbita siyang dumalo sa
pulong, ngunit sagot niya'y hind na, dahilan sa hindi naman siya inimbita.
Iniwan ni Aguinaldo ang pulong at bumaba at tinungo ang kapaligiran, hinanap
ang kanyang mga kawal na noo'y ikinulong nina Bonifacio at sapilitang pinasasanib
sa bagong hukbo. Ang mga kawal na ikinulong ay pinagsabihan na kapag inutusang silang barilin ang sinumang ituro
sa kanila ay sundin at barilin, na siya namang ipinagtaka ng mga kawal. Nang
matagpuan ni Aguinaldo ang mga kawal, nangatuwa sila at nagsabing hind inga raw
nila malaman kung bakit sila naroroon. (Ronquillo, 106)
Maya-maya'y nakarinig sila ng malalakas na yabag sa hagdanan at ibinalita sa kanila na si Bonifacio at ang kanyang mga kasabwat ay nagsilisan na. (Ronquillo, 108) Si Bonifacio at mga kasamang taga Balara ay nagtungo sa Limbon, ang mga Alvarez nama'y umuwi sa kanilang bayan sa San Francisco de Malabon, si Ricarte ay tumakas at nagtungo sa nayon ng Kaytitingga, Alfonso, na noo'y tinatawag na Mainam, punong tanggulan ng Magdiwang, at ang dalawang heneral na Magdalo ay bumalik sa kanilang kwartel. Ipinatawag ni Aguinaldo ang dalawang heneral at sinabing wala siyang sama ng loob sa kanila at ang dalawa nama'y humingi ng tawad at sinabing nalinlang sila ni Bonifacio. Makalipas ang ilang araw, ang mga Alvarez naman ay kumilala na rin sa bagong pamahalaan at tinanggap ang mga tungkulin inalok sa kanila. (Ronquillo, 106-109; Delos Santos, 46-47) Katulad din ng ilan pang mga palabang hakbang ni Bonifacio ang kudetang ito ay hindi rin nabanggit sa mga itinuturo sa paaralan, pati na ng mga mananalaysay sa panahon natin ngayon. Nakapagtataka!
IKAPAT - NAGTAYO NG TANGGULAN AT NAGTAGTAG NG SARILING HUKBO
Noong matapos ang nabigong kudeta ay nagmadaling umalis si Bonifacio at kasamahan noong hatinggabi din iyon at nagtungo nga sila Limbon. Kaagad-agad nagtayo ng mga baterya sa paso at daraanan sa ilog sa pagaakalang sasalakay ang mga kawal ni Aguinaldo. (Ronquillo, 28) Subalit hindi sila ipinahabol ni Aguinaldo at walang karahasang nangyari. Nanatili si Bonifacio sa Limbon kung saan siya ay nagtayo ng tanggulan at nagsimulang mangalap ng sariling hukbo. (Corpuz, 117) Niyaya niya sina Hen Miguel Malvar at Artemio Ricarte na sumama sa kanya at inalok din ng pabuya ang mga sundalo ng Magdiwang upang lumipat sa kanyang hukbo, ngunit ang dalawang heneral ay hindi sumama dahil sa mahigpit na babala ni Aguinaldo na ang hindi pagkilala o pagtulong sa bagong pamahalaan ay tanda ng kataksilan sa bayan na lalapatan ng kaukulang parusa. (Taylor, 1:301-2) Hindi rin ito nababanggit sa mga aklat na ginagamit sa paaralan.
IKALIMA – LUMABAN SA MGA SUNDALO NG PAMAHALAAN
Nang ika-27 ng Abril 1897, nagbaba ng utos si Pangulong Aguinaldo na arestuhin si Bonifacio at mga kasamahan nito dahilan sa ginawa nilang pagsalakay sa bayan ng Indang, ayon sa sulat na tinanggap ni Pangulong Aguinaldo galing kay Severino delas Alas, ang presidente ng bayan ng Indang. (Ronquillo, 109) Lumalabas na tinanggihan ng mga taongbayan ng Indang ang paghingi ni Bonifacio ng pagkain at mga pangangailangan, dahilan sa nagkakahirapan na noon sa pagkain, at dito nagalit ang Supremo at malakas na sigaw na ang sabi'y mga taksil sa rebolusiyon ang mga taga Indang at nagbanta na susunugin niya ang bayan, una ang simbahan at kumbento. (Corpuz, 118) Nang dumating na nga ang mga huhuli sa kanya, hindi lumaban ang kanyang mga tauhan at kusang isinuko ang kanilang mga armas, ngunit nagpaputok si Ciriaco, ang kapatid ni Andres, at napatay ang dalawang kawal ng pamahalaan. At sa palit-putukan napatay si Ciriaco, at si Andres Bonifacio nama'y tinamaan ng bala ng riple sa balikat habang itinututok ang kanyang rebolber (Kalaw[court-martial], 5) at nasaksak pa ni Heneral Ignacio Paua sa may leeg (Alvarez[Katipunan], 335). Sila'y dinala ng mga umaresto sa bayan ng Maragondon at doon ikinulong, inimbistiga at iniharap sa consejo de guerra o kaya'y korte militar. (Corpuz, 124) Sa mga aklat na mababasa sa paaralan iba ang kwento, sinugod daw sina Bonifacio at sinaktan kahit hindi lumalaban.
Ang wakas ay dumating kay Andres Bonifacio, ang bayaning nanganay ng rebolusyon, matapos ang paglilitis ng korte militar sa salang sedisyon na tinumbasan ng parusang kamatayan. Naglabas naman ng indulto o patawad si Aguinaldo upang ibaba ang parusa sa halip na kamatayan ay ibilanggo ng habang buhay. (Taylor 1:329) Ngunit sa kabila ng pagbabago ng hatol ay natuloy pa rin ang pagbaril sa magkapatid. Ang hiwagang ito ay lininaw ni Aguinaldo sa kanyang sulat kamay na liham ng araw ng ika-22 ng Marso, 1948. Ayon sa kanyang sulat, tinawag ang kanyang pansin ng dalawang heneral, sina Hen Pio del Pilar at Hen Mariano Noriel, na nagsumamong bawiin ang kanyang utos dahil sa panganib na idudulot ni Bonifacio, "kung ibig pa ninyong mabuhay pa tayo", at upang mailagay sa ayos ang kapanatagan at pagkakaisa ng rebolusyon. Binanggit ng dalawang heneral ang balak ni Bonifacio noong sila'y magkudeta ang ipapapatay si Aguinaldo (Zafra, 232-237). Itong balak na patayin si Aguinaldo ay nabanggit din ni Pedro Giron sa kanyang testimonyo na isa sa mga ebidensiya sa paglilitis kay Bonifacio (Taylor, 1:315-7; Kalaw, 19)
Ayon kay Ricarte, kasama sa mga nagudyok sa Pangulong Aguinaldo na ipatupad ang hatol ng Consejo de Guerra ay sina Feliciano Jocson, Antonio Montenegro, Teodoro Gonzales, Severino delas Alas, Baldomero Aguinaldo, Mariano Trias Closas at iba pang mga taga lalawigan ng Cavite. (Ricarte, 82) At ayon naman sa mananalaysay na si Teodoro Agoncillo sina Clemente Jose Zulueta at Mamerto Natividad ang mga mahigpit na nagbunsod kay Aguinaldo na bawiin ang indulto at ipatupad ang hatol-kamatayan ng Consejo de Guerra. (Agoncillo)

Si Mabini ay ganoon din ang naging pagkilatis sa pangyayari. Noong Hunyo 11, 1898 nang mahirang siya ni Aguinaldo bilang kalihim, nagpasalamat si Mabini dahil natubos daw ni Aguinaldo ang kabiguan sa panghihimagsik ni Bonifacio, at pinintasan ni Mabini ang malamig na trato sa pagkukudeta ni Bonifacio. Ang sabi ni Mabini kung sa kanya daw nangyari ito ay juicio sumarisimo (patayin ng walang paglilitis) agad ang ipagagawa niya kay Bonifacio at mga kasamahan nito. (Ronquillo, 27) Di kaya kung nabaligtad ang sitwasyon at si Aguinaldo ang tumayo sa lugar ni Bonifacio, hindi kaya ni ha, ni ho, patay agad si Aguinaldo?
Hindi malayong ito nga ang ipapatutupad ayon sa nakasaad sa deklarasyon ng Acta de Naic at sa mga ipinakitang ugaling marahas ni Bonifacio, halimbawa, ang utos niyang hanapin si Teodoro Plata at paghiwalayin ang ulo sa balikat (St. Clair, 134-135), ang pagtutok niya ng baril kay Buenaventura Domingo noong nakawala ang Prayle nang masukol nila ang Mandaluyong (Alvarez[Katipunan, 262), ang pagtutok niya ng baril kay Daniel Tirona dahil sa hinala niyang nagkalat ng mga polyetong laban sa kanya (Alvarez[Katipunan], 304), at ang muling pagtutok niya ng baril kay Tirona sa loob ng kapulungan sa Tejeros sa karamihang tao (Alvarez[Katipunan], 322).
Ngunit sa kahulihulihan hindi maipagkakaila na tunay na tunay nga ang kabayanihan ni Andres Bonifacio kahit mawaring mayroon siyang ipinamalas na kahinaan. Siya ay magiting na bayani hindi dahil sa paglaban niya sa mga Kastila, sapagka't marami na ring gumawa niyang noong mga nakalipas na panahon, tulad nina Francisco Dagohoy, Diego Silang o Leon Kilat at iba pa.
Ang tunay na kabayanihan ni Supremo Bonifacio ay nasusukat sa nagawa niyang malawakang pagpukaw sa damdaming makabayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng kanyang pagtuturo ng tunay na pagmamahal sa bayang tinubuan, na siyang nagbigay buhay at lakas sa pagsulong ng pagtataguyod sa inaasam na kalayaan at kasarinlan ng bansang Pilipinas.

SOURCES:
1. Agoncillo, Teodoro: Speech delivered at a symposium held at the Philippine Columbian Association, Manila, on the occasion of the 97th birth anniversary of General Emilio Aguinaldo on March 22, 1965, 7:00 p.m.2. Alvarez, Santiago V.: “The Katipunan and the Revolution, Memoirs of a General,” with the original Tagalog text, translated into English by Paula Carolina S. Malay, Ateneo de Manila University Press, 1992
3. Corpuz, Onofre D.: “Saga and Triumph – The Filipino Revolution Against Spain”, University of the Philippines Press and Cavite Historical Society, 2002
4. Delos Santos, Epifanio: "Andres Bonifacio", pages 34-58, The Philippine Review (Revista Filipina), G. Nieva: Manila, P.I., January 1918, Ann Arbor, Michigan: University of Michigan Library 2005, http://name.umdl.umich.edu/ACP0898.0003.001
5. Kalaw, Teodoro M.: "The court-martial of Andres Bonifacio: with prefatory notes, tr. by Paz Policarpio-Mendez. ; Ann Arbor, Michigan: University of Michigan Library 2005, http://name.umdl.umich.edu/ADL9481.0001.001
6. May, Glenn Anthony: "Inventing a Hero The Posthumous Re-Creation of Andres Bonifacio", New Day Publishers, University of Wisconsin, Center for Southeast Asian Studies, 1996
7. Ricarte, Artemio: "Himagsikan nang manga Pilipino laban sa Kastila", .Yokohama, Japan: "Karihan Cafe,", 1927, Ann Arbor, Michigan: University of Michigan Library 2005, http://malolosrepublic.blogspot.com/2010/06/bibliography.html
8. Richardson, Jim: “The Light of Liberty, Documents and Studies on the Katipunan, 1892-1897”, Ateneo de Manila University Press, 2013
9. Ronquillo, Carlos: "Ilang Talata Tungkol sa Panghihimagsik ng 1896-1897", edited by Isagani Medina, University of the Philippines Press, 1996
10. Taylor, John R..M.: "The Philippine Insurrection Against the United States, a compilation of documents with an introduction by Renato Constantino", Eugenio Lopez Foundation, Vol. 1, 1571 to May 19, 1898, Pasay City, Philippines, 1971

11. Zafra, Nicolas: "Riptide to Tejeros, ‘The Making of a Nation", Filipino Heritage, Lahing Pilipino Publishing, Inc. Philippine Copyright, vol. 8, 1978
#TUKLAS
No comments:
Post a Comment